Sunday, September 27, 2009

REVISED (eto yung tinalumpati ko!!)

DARNA, BATMAN, SUPERMAN

NAGTATAKA LANG TALAGA AKO KUNG BAKIT PA KAILANGANG LUMUNOK NG BATO NI DARNA? PANO KUNG NABULUNAN SIYA? MAKAKAPAGCHANGE COSTUME BA SIYA AT MAGKAKASUPERPOWERS PA RIN? SAKA BUKOD SA DISGUISE ANO PANG SILBI NG COSTUME NG MGA SUPERHEROES? NAKAKADAGDAG BA YUN SA SUPERPOWERS NILA? BAKIT SI SUPERMAN AT BATMAN UNA ANG PANTALON BAGO ANG BRIEF? GANUN BA TALAGA ANG USO? PAG BA SINUBUKAN KONG MAGPANTALON MUNA TAPOS SAKA MAGBRIEF MAGIGING KATULAD BA AKO NI SUPERMAN?

Ganyang mga katanungan ang madalas maglaro sa isip ko. Oo,‘weird’ na ako kung ‘weird’. Yun talaga ako. Hindi na mawawala sa pagkatao ko yung ganyang mga bagay. Baka nga mahirap talagang sakyan ang trip ko pero mayroon naming ibang tao na madaling sakyan ang trip pero pag naktalikod ka kung anu-ano na ang pinagsasasabi tungkol sa ‘yo. Inaamin ko minsan ganun din ako, patalikod kung lumaban. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Pag talagang asar ako sa tao harap harapan kong sasabihin sa kanya ang mga bagay na ayaw ko sa kanya. Hindi na kung kani-kanino pa niya malalaman yung mga bagay bagay na tungkol sa kanya. Ayaw ko ng mga taong ganun. Yung patalikod lumaban. Mga talipandas na takot banggain ang malalaking pader sa harap niya.

Ayaw ko rin ng mga malaking grupo na nanliit o nangmamata ng iba. Inaamin kong minsan na rin akong nabulag. Napasama sa grupong nangmamata ng iba. Napansin ko sa sarili kong HINDI na AKO ang DATING AKO. Nabago na ako. Imbes na sa mas mabuti, sa mas masama. Buti na lang nagising ako sa katotohanan. Kung may tatamaan man mabukulan sana para magtanda.

Ayaw ko rin sa mga taong masyadong maaarte. Yung tipong may iba sa kanila dahil nga maarte sila… ewan basta parang ganun. Ayaw ko sa mga taong masyadong mataas ang tingin sa kanilang mga sarili Yung mga nag-aastang elitista pero hindi naman pala. Ayaw ko sa mga mayayabang. Bigla na lang kasing hahangin ng malakas akala mo may buhawi yun pala nagsasalita lang sila.

Marami na akong nakitang mali. Marami na rin akong nagawang pagkakamali kaya alam kong di tamang basta na lang akong manghusga. Pero sa tingin ko di ko maiwasan yun likas na kasi sa akin ang pagiging mapuna. Siguro ang mahuhusgahan ko talaga ay yung alam kong masama talaga. Yung maituturing na immoral. Yung tipong “against the natural law of nature”. Sana nakuha niyo yung point ko kung hindi bahala na kayong umintindi bata yun na yun.

Walang taong perpekto. Lahat tayo ditto sa silid na ‘to hindi sakdal. Kaya naman gusto kong mag-sorry dun sa mga taong nasaktan ko sa tuwing totopakin ako. Sorry! Tao rin ako nagkakamali, nagagalit, umiinit ang ulo.

Nga pala baka magtaka ka kung bakit puro mga “ayaw” ko ang mga binabanggi ko. Aabutin kasi ng isandaang gintong taon bago ko mapag-isipan yung mga bagay na gusto ko. Mas medaling pag-isipan ang mga bagay na ayaw ko.

Ayun bago pa magkadramahan dito mag-i-evaporate na ako. Huli na lang bago ako lumayas sa harap niyo. Ang buhay natin ay dumedepende sa mga pagpapasyang ating ginagawa. Ikaw ang nagsusulat ng iyong sariling aklat. Ikaw ang pipili ng mga magiging karakter sa iyong nobela. Ikaw at ikaw lang ang makapagbabago ng takbo ng iyong buhay. Pero sino nga ba naman ako para magsalita ng mga ito? Isa lang rin akong butil sa isang kabang bigas. Nais ko lamang ibigay ang aking munting tinig. Salamat sa pakikinig.

Tuesday, September 22, 2009

So I was thinking of a good entry... staring my monitor screen for ages... then i heard this news... MAR ROXAS WOULD BE NOYNOY AQUINO"S RUNNING MATE!

This news is nice! The Liberal Party has already chosen their presidential and vice presidential candidates. Filipinos could now think whom to vote (though as far as I'm concerned the Administration haven't decided their candidates).

Anyway, there is this question that bothered me, "WILL THERE BE A DOUBLE WEDDING?"

Saturday, September 19, 2009

GAKUEN ALICE!!!

just read the latest chapter...
and it's GREAT can't wait for the next!!!
how i wish they'll post it asap!!!

Tuesday, September 15, 2009

talumpati

DARNA, SUPERMAN, BATMAN

NAGTATAKA LANG TALAGA AKO KUNG BAKIT PA KAILANGANG LUMUNOK NG BATO NI DARNA? PANO KUNG NABULUNAN SIYA? MAKAKAPAGCHANGE COSTUME BA SIYA AT MAGKAKASUP0ERPOWERS PA RIN? SAKA BUKOD SA DISGUISE ANO PANG SILBI NG COSTUME NG MGA SUPERHEROES? NAKAKADAGDAG BA YUN SA SUPERPOWERS NILA? BAKIT SI SUPERMAN AT BATMAN UNA ANG PANTALON BAGO ANG BRIEF? GANUN BA TALAGA ANG USO? PAG BA SINUBUKAN KONG MAGPANTALON MUNA TAPOS SAKA MAGBRIEF MAGIGING KATULAD BA AKO NI SUPERMAN?

Ganyang mga katanungan ang madalas maglaro sa isip ko. Oo, ‘weird’ na ako kung ‘weird’. Yun talaga ako. Hindi na mawawala sa pagkatao ko yung ganyang mga bagay. Baka nga mahirap talagang sakyan ang trip ko pero mayroon naming ibang tao na medaling sakyan ang trip pero pag naktalikod ka kung anu-ano na ang pinagsasasabi tungkol sa ‘yo. Inaamin ko minsan ganun din ako, patalikod kung lumaban. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Pag talagang asar ako sa tao harap harapan kong sasabihin sa kanya ang mga bagay na ayaw ko sa kanya. Hindi na kung kani-kanino pa niya malalaman yung mga bagay bagay na tungkol sa kanya. Ayaw ko ng mga taong ganun. Yung patalikod lumaban. Mga talipandas na takot banggain ang malalaking pader sa harap niya.

Ayaw ko rin ng mga malaking grupo na nanliit o nagmamata ng iba. Inaamin kong minsan na rin akong nabulag. Napasama sa grupong nangmamata ng iba. Napansin ko sa sarili kong HINDI na AKO ang DATING AKO. Nabago na ako. Imbes na sa mas mabuti, sa mas masama. Buti na lang nagising ako sa katotohanan. Kung may tamaan man mabukulan sana para magtanda.

Marami na akong nakitang mali. Marami na rin akong nagawang pagkakamali kaya alam kong di tamang basta na lang akong manghusga. Pero sa tingin ko di ko maiwasan yun likas na kasi sa akin ang pagiging mapuna. Siguro ang mahuhusgahan ko talaga ay yung alam kong masama talaga. Yung maituturing na immoral. Yung tipong “against the natural law of nature”. Sana nakuha niyo yung point ko kung hindi bahala na kayong umintindi bata yun na yun.

Walang taong perpekto. Lahat tayo ditto sa silid na ‘to hindi sakdal. Kaya naman gusto kong mag-sorry dun sa mga taong nasaktan ko sa tuwing totopakin ako. Sorry! Tao rin ako nagkakamali, nagagalit, umiinit ang ulo.

Ayun bago pa magkadramahan dito mag-i-evaporate na ako. Huli na lang bago ako lumayas sa harap niyo. Ang buhay natin ay dumedepende sa mga pagpapasyang ating ginagawa. Ikaw ang nagsusulat ng iyong sariling aklat. Ikaw ang pipili ng mga magiging karakter sa iyong nobela. Ikaw at ikaw lang ang makapagbabago ng takbo ng iyong buhay. Pero sino nga ba naman ako para magsalita ng mga ito? Isa lang rin akong butil sa isang kabang bigas. Nais ko lamang ibigay ang aking munting tinig. Salamat sa pakikinig.

Ooops P.S. WAG KANG EEAPAL EPAL! AT WAG KA RING MASYDONG IPOKRITO…SALAMAT!

Monday, September 14, 2009

ANG KATI MO

GRABE KA NAMAN!
ANG KATI MO TALAGA!
NAKUHA MONG GAWIN YUN???
ANG KATI-KATI MO!!!
DI NA TATALAB SA IYO ANG CANESTENE...

Friday, September 11, 2009

“NOBODY” the new “My Way”


Enough with the usual news about Chavit Singson scandal, 2010 presidential elections, crimes blah blah… Wonder Girls’ hit song “NOBODY” (nobody but you *clap…*) is the cause of death of He-Who-I-Don’t-Know-His-Name. Yep he is a man! He-Who-I-Don’t-Know-His-Name was killed by his fraternity brothers when they’re drinking (alcohol of course). I haven’t got much detail about the said incident but from what I have heard, he hears the song, “Nobody” playing asked his frat brothers and there he was killed… TO THE FAMILY, I'd like to express my condolence.

Wednesday, September 09, 2009

Ahm ayun "can't get over it"

walang naka-spoil ng moment nayun....

I'm UBERIFFICLY HAPPY!!!

Friday, September 04, 2009

L-O-V-E

“Mahal ko na siya.”

Isang pangungusap na puno ng kahangalan! Oo isa ito kahangalan! Anong akala mo mahal mo na talaga siya? Bakit alm mo nab a talaga kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘PAGMAMAHAL’? Kung anoi talaga ang gustong sabihin ng salitang Ingles na LOVE? Alam mo ba? Kitams, napaisip ka!

Ano bang alam mo tungkol sa pagmamahal?

Ano, ano, ano?

Akala mo ba na darating na lang yan ng di sinasadya? Na bigla mo na lang yan mararamdaman? Hangal ka! Inuulit ko hangal ka! Masyado mong ikinukulong ang iyong sarili sa isang paniniwala na hindi mo alam kung tama! Akala mo na ang LOVE AT FIRST SIGHT, totoo? Nagkakamali ka!

Ang buhay natin ay dumedepende sa mga pagpapasyang ating ginagawa.anong akala mo tadhana ang nagpapaikot sa lahat? Hangal ka ngang talaga.

Hindi basta bastang mararamdaman na lang ang pag-ibig. Pipiliin mong umibig. Hindi ka naman gigising at mapagtatanto mo na “mahal ko na siya”. Hindi, hindi. Ikaw mismo ang magpapasiya na mahal mo na talaga siya.

At ano? Akala mo bang sa iyo lang ang itinuturing mong iyong “pinakamamahal”? Nagseselos ka na lagi may kasama siyang iba? Na gagawa ka ng mga bagay na ikasasakit mo dahil lamang sa nabigo ka? Susubukan mong magpakamatay dahil sa nararamdaman mong iyan? Hangal ka ngang tunay. Hangal na hangal.

Ang sabi ng bible, “Ang pag-big ay may mahabang pagtitiis at mabait…hindi mapanibughuin…hindi nagmamayabang, hindi nagmamalaki, hindi gumagawi nang hindi disente, hindi nahahanap ng sarili nitong kapakanan, hindi nagpupukaw sa galit. Hindi ito nagbibilang ng pinsala. Hindi ito nagsasaya sa kalikuan, kundi nakikipagsaya sa katotohanan. Tinitiis, pinaniniwalaan, inaasahan at binabata ang lahat ng bagay.”

Ikaw? Anong ginagawa mo? Ano? Ano? Nasaiyo pa rin ang pagpapasiya. Ikaw ang nagsusulat ng iyong sariling aklat. Ikaw ang pipili ng mga magiging karakter sa iyong nobela. Ikaw at ikaw lang ang makapagbabago ng takbo ng iyong buhay.

Pero sino nga ba naman ako para magsalita ng mga ito? Isa lang rin akong musmos na pilit na inuunawa ang buhay. Sino ba naman ako para magsalita dito? Isa lang rin akong butil sa isang kabang bigas. Isa lang akong mag-aaral na tulad mo. Nais ko lamang ibigay ang aking munting tinig.

Nakakaasar

Bwisit yan...bwisit talaga...