Sunday, September 27, 2009

REVISED (eto yung tinalumpati ko!!)

DARNA, BATMAN, SUPERMAN

NAGTATAKA LANG TALAGA AKO KUNG BAKIT PA KAILANGANG LUMUNOK NG BATO NI DARNA? PANO KUNG NABULUNAN SIYA? MAKAKAPAGCHANGE COSTUME BA SIYA AT MAGKAKASUPERPOWERS PA RIN? SAKA BUKOD SA DISGUISE ANO PANG SILBI NG COSTUME NG MGA SUPERHEROES? NAKAKADAGDAG BA YUN SA SUPERPOWERS NILA? BAKIT SI SUPERMAN AT BATMAN UNA ANG PANTALON BAGO ANG BRIEF? GANUN BA TALAGA ANG USO? PAG BA SINUBUKAN KONG MAGPANTALON MUNA TAPOS SAKA MAGBRIEF MAGIGING KATULAD BA AKO NI SUPERMAN?

Ganyang mga katanungan ang madalas maglaro sa isip ko. Oo,‘weird’ na ako kung ‘weird’. Yun talaga ako. Hindi na mawawala sa pagkatao ko yung ganyang mga bagay. Baka nga mahirap talagang sakyan ang trip ko pero mayroon naming ibang tao na madaling sakyan ang trip pero pag naktalikod ka kung anu-ano na ang pinagsasasabi tungkol sa ‘yo. Inaamin ko minsan ganun din ako, patalikod kung lumaban. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Pag talagang asar ako sa tao harap harapan kong sasabihin sa kanya ang mga bagay na ayaw ko sa kanya. Hindi na kung kani-kanino pa niya malalaman yung mga bagay bagay na tungkol sa kanya. Ayaw ko ng mga taong ganun. Yung patalikod lumaban. Mga talipandas na takot banggain ang malalaking pader sa harap niya.

Ayaw ko rin ng mga malaking grupo na nanliit o nangmamata ng iba. Inaamin kong minsan na rin akong nabulag. Napasama sa grupong nangmamata ng iba. Napansin ko sa sarili kong HINDI na AKO ang DATING AKO. Nabago na ako. Imbes na sa mas mabuti, sa mas masama. Buti na lang nagising ako sa katotohanan. Kung may tatamaan man mabukulan sana para magtanda.

Ayaw ko rin sa mga taong masyadong maaarte. Yung tipong may iba sa kanila dahil nga maarte sila… ewan basta parang ganun. Ayaw ko sa mga taong masyadong mataas ang tingin sa kanilang mga sarili Yung mga nag-aastang elitista pero hindi naman pala. Ayaw ko sa mga mayayabang. Bigla na lang kasing hahangin ng malakas akala mo may buhawi yun pala nagsasalita lang sila.

Marami na akong nakitang mali. Marami na rin akong nagawang pagkakamali kaya alam kong di tamang basta na lang akong manghusga. Pero sa tingin ko di ko maiwasan yun likas na kasi sa akin ang pagiging mapuna. Siguro ang mahuhusgahan ko talaga ay yung alam kong masama talaga. Yung maituturing na immoral. Yung tipong “against the natural law of nature”. Sana nakuha niyo yung point ko kung hindi bahala na kayong umintindi bata yun na yun.

Walang taong perpekto. Lahat tayo ditto sa silid na ‘to hindi sakdal. Kaya naman gusto kong mag-sorry dun sa mga taong nasaktan ko sa tuwing totopakin ako. Sorry! Tao rin ako nagkakamali, nagagalit, umiinit ang ulo.

Nga pala baka magtaka ka kung bakit puro mga “ayaw” ko ang mga binabanggi ko. Aabutin kasi ng isandaang gintong taon bago ko mapag-isipan yung mga bagay na gusto ko. Mas medaling pag-isipan ang mga bagay na ayaw ko.

Ayun bago pa magkadramahan dito mag-i-evaporate na ako. Huli na lang bago ako lumayas sa harap niyo. Ang buhay natin ay dumedepende sa mga pagpapasyang ating ginagawa. Ikaw ang nagsusulat ng iyong sariling aklat. Ikaw ang pipili ng mga magiging karakter sa iyong nobela. Ikaw at ikaw lang ang makapagbabago ng takbo ng iyong buhay. Pero sino nga ba naman ako para magsalita ng mga ito? Isa lang rin akong butil sa isang kabang bigas. Nais ko lamang ibigay ang aking munting tinig. Salamat sa pakikinig.

No comments:

Post a Comment