Wednesday, October 21, 2009

Coke Float & Choco Fudge Sundae

So nagpunta ako ng school kahapon...

OO kahit sembreak nagpunta ako ng school!

Baka isipin mo na napakasipag ko, hindi no... ayaw ko lang mabawasan ang aking grade... pinaghirapan ko yata yun no...

ayun bumili ako sa Mcdo ng coke float at sundae...

weird no? may float na may sundae pa? ganyan ako ka-adik!

anyway highway...

baka isipin mo na overjoyed naman ako sa paggawa ng short story...

ipinasa ko yun sa folio ng PEYS! and hopefully masama sana sa printing...

anyway may ka-cookie-hang naganap kahapon...

nagpunta kasi ako sa Assumpta Technical High School yung aking alma mater...

ayun syempz di maiiwasan ang awkward na pagtatanong ng mga teachers kung anong course mo blah blah...pero okay naman... medyo nahihiya lang siguro ako (naks talagang may hiya eh ano?)

ayun may ka-cookiehang ginagawa si sir rr gagamitin daw yun sa recollection ng mga sisters...tapos sinamahan ko siyang magklase (PE)...

as usual magulo ang klase (PE nga kasi di ba?) nag performance test sila...yung pagserve sa volleyball saka free throws sa basketball...naalala ko tuloy nung kami yung nagpi-perfomance test na ganun...

anyway binalik na pala ulit yung cheer dance for family days...syang dapat kasi yung batch na lang namin yung last na nag-cheer dance!

mayroon rin akong nalaman na di pwedeng ipagkalat! secret lang yun! o cia napahaba na ang aking post hanggang sa muli people!

Monday, October 19, 2009

SEMBREAK

ahm sembreak na pero di ko nararamdaman ang aura nito...

ahm ayun nakapagpost rin ulit sa wakas

MAIKLING KWENTO


“DINO”

Lagi ko siyang nakikita. Siya ay isang batang animo’y walang magulang. Siya ay napababayaan. Isang palit na walang kamuwang-muwang sa mundo.

Kauulan lang noon. Nakita ko ulit siya. Siya nga pala si Dino pitong taong gulang na siya pero mukhang four years old, kapi’t bahay namin. Nakita ko siyang may dalang basahan. Nakadikit ang bassahan sa kaniyang nguso. Sa punto de vista ko ay sinisipsip niya yun. Nagulat ako ng isawsaw niya sa kalderong kinainan ng aso ang basahan. Muli sinipsip niya ito. Nakita ko sa kanyang mga mata na sarap na sarap siya sa kanyang ginagawa. Napaisip ako….

NAsaan ang magulang ng batang ito? Nasaan?

“DINO! DINO!” isang sigaw ang narinig ko. Kung di ako nagkakamali si aling Merly yun. Yung nanay ni Dino.

Ilang araw ko din siyang di nakita. Ang sabi ng tsismosang kubrador ng jueteng kay nanay may sakit daw yung bata. Nilalagnat daw, ilang araw na. Ang sabi ng daw ng albularyo nabati daw ng dwende. Sa isip ko hindi yun namatanda, baka may amoebiasis na yung bata.

Lumipas ang isang linggo. Muli kong nakita si Dino. Nandun ulit siya sa paborito niyang laruan. Inosenteng inosente siyang tignan. May napansin pa ako, payat na payat siya at malaki ang tiyan. Kung di ako nagkakamali, senyales na ito ng malnutrisyon.

May dalang baso si Dino. Naglalaro siya sa may baha. Natutuwa ako sa kanya. Musmos na musmos ang dating. Ilang saglit pa gusto nang mag-rally ng sikmura ko sa aking nakita. Pinuno ni Dino ang baso ng tubig baha at saka niya ito ininom.

“Dino!” napasigaw ako, “wag mong inumin yan madumi yan!”

Nagulat ako sa sagot niya, “bakit kuya? Masarap naman eto huh, lasang milo.” Gusto kong sumuka sa harap niya pero pinigilan ko. Alam ko na ang kahihinatnan ng batang ito.

Ilang araw lang ang nakalipas, nabalitaan kong may sakit na naman yung bata. Ang sabi na naman daw nung albularyo binalikan daw si Dino nung dwende. Sa mga narinig ko alam kong walang kaalam-alam ang nanay ni Dino sa tunay nitong kalagayan. Kaya naman minabuti ko nang puntahan si aling Merly sa bahay niya.

Kumatok ako sa pinto nila. Binuksan naman ni aling Merly yung pinto. Pinatuloy naman niya ako. Nung kamustahin ko si Dino, nakita ko ang luha sa mata ni aling Merly kahit na hindi ito tumulo. “Ah ayun natutulog. Mataas pa rin ang lagnat eh. Ilang araw na nga eh. Ang sabi ni Ka-Dencio binalikan daw siya nung dwende,” sabi niya. Halata sa boses ni aling Merly ang pag-aalala sa kanyang anak.

“Ano ang sabi ng duktor,” muli akong nagtanong.

“Duktor? Para sa mayayaman lang yong tulad niyo,” sagot niya. “Wala naman kaming pera para sa mga ganyan eh. Isa pa – “

Bigla siyang natigilan nang umungol si Dino. Napatingin ako sa kinahihigaan ng bata. Nilapitan siya ni aling Merly. Lumapit na rin ako. Nagulat ako ng biglang mangisay si Dino. Nagkukumbulsyon na yata siya. Wala kaming magawa ni aling Merly. Wala. Wala. Wala.

“Dalhin na natin siya sa ospital!” napasigaw na ako nung mga oras na ‘yon.

Pero sadya talagang malupit ang tadhana. Biglang tumigil sa pagkisay si Dino. Napanatag si aling Merly pero ako hindi. Tinignan ko ang pulso ni Dino.

WALA…

WALA…

WALA…

Sunday, October 18, 2009

PASKO

By: syempre ako ang nagsulat nito!

Ako si Natan, 13 years old na ako. Dati, nakatira ako sa isang napakalaking bahay parang palasyo. Kasama ko dati si mama, si papa, si ate Justine, at si kuya Louie. Ngayon, din a ko nakatira dun sa palasyo, nawala na daw yon weh… kaya ngayon nandito ako sa Juvenile Center. Sabi ni kuya Kiko may nagawa daw akong kasalanan kay nandito ako… Wala naman akong matandaang ginawa ko…

Ikukwento ko na lang yung mga nangyayari nung nasa palasyo pa ako. Bunso ako kaya lahat ng gusto ko binibigay ni mama at papa. Nung minsan nga humingi ako ng pera tapos binigyan nila ako ng P5000. Ang bait sa akin ng mama at papa ko no? Nung si ate Justine ang humingi ng pera P1500 lang ang binigay nila sa kanya. Nung si kuya Louie naman ang humingi P500 lang ang binigay nila. Lab talaga nila ako!

Isang araw, inaaway ako ni kuya Louie, sipsip daw kasi ako. Nisuntok niya ako kaya nung nsinumbong ko siya kay papa binubog siya. Itinali niya yung dalawang kamay ni kuya tapos binitin siya ang hingupit ng hinagupit ng hingupit. Mula nung araw na ‘yon ‘di na ako pinansin ni kuya Louie.

Tapos naman sinama ako ni papa dun sa lugar na may barilan! Ang saya dun! Sabi niya paintball daw ang tawag dun… Ang galing! Kahit na binabaril mo na yung mga tao hindi namamatay. Kaya yun nag-enjoy talaga ako. Pagkatapos nun din a kami ulit pumunta ni papa dun sa barilan. Gusting gusto ko talagang makipagbarilan ulit!

Mga ilang buwan ang lumipas nun. Bati na ulit kami ni kuya Louie! Magpa-Pasko na! kaya naman naging abala sa bahay naming. May Christmas tree na malaking malaking malaki! Tapos may mga Christmas lights saka may Santa Claus saka parol! Ilang araw na lang Pasko na! Napanod ko noon sa T.V. na dapat daw weh magbigay daw ng mga napaglumaang laruan, damit at iba pa sa mga batang kapos kaya napagpasyahan kong magkalkal ng gamit…

Sa kakakalkal ko nakakita ako ng baril-barilan! Isa lang ang pumasok sa isip ko noon: PAINTBALL! Kaya naman itinago ko yung baril-barilan. Tapos tinuloy ko na yung pagkakalkal ng mga lumang laruan at damit… Ang dami ko pa ang damit! Isang malaking room na puno ng damit! Tapos ang dami ring laruan kaya naman yung iba dun sabi ko kay mama ibagay na sa mga batang kapos. Tuwang-tuwa si mama nun ang bait ko daw na bata isa daw akong angel! Sinamahan ako ni mama nun na dalhin yung mga laruan at damit sa GIFTS Foundation. Natuwa yung babaeng kamukha ni Mr. Bean na tumanggap nung mga regalo. Siya na daw yung bahalang magbigay dun sa mga bata…

Ilang araw pa ang lumipas, Pasko na at habang nagbibihis ako para sa Noche Buena nakalkal ko ulit yung itinago kong baril-barilan. Ililagay ko yung baril-barilan sa bulsa ko. Nagtataka ako kung bakit mabigat eh hindi naman yun dating mabigat! Ewan. Lumabas ako ng kwarto at pumunta na sa may mesa… WOW! Ang dami dami dami dami dami dami daming pagkain. May lechons, may ham, may kesong bilog na nakabalot sa pula na sabi ni ate Justine, Keso de Bola daw ang tawag dun. Meron ring fried chicken, spaghetti, at marami pang iba. Meron ding cake!

Natapos ang kainan… busog na busog ako ang dami ko kasing nakain! Naglalaro kami ni kuya noon ng bato-bato-pik… nainip ako… sabi ko magbarilbarilan na lang kami. Pumayag siya kaya naman kinuha ko yung baril-barilan sa bulsa ko tapos binaril siya. BANG! Nagpatay-patayan pa si kuya at ang galling pa nga ng special effects niya may dugo pa! tapos nun mukhang nakatulog siya din a siya bumangon weh… Nainip ako… pumunta ako sa may kusina, nandon si ate at mama kasam rin yung mga katulong naming. Tinawag ko si ate Justine. Nung humarap siya itinutok ko sa knya yung baril na hawak ko tapos nibaril ko rin siya!!! Ang saya parang nasa T.V. yung mga cartoons saka yung mga gyera-gyera na pinapanod ni papa. Nagtalsikan yung pros niyang mga dugo! Tapos tumumba siya, di ko na siya pinansin. Biglang dumating si papa.

Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! Maka-sampung beses ko yata siya nibaril. Pagkatapos may narinig akong wang-wang… tapos biglang dumating yung mga pulis! Parang movie talaga! Tuwang-tuwa ako! Pinagkaguluhan kasi nila ako! Si mama tulala…. Ewan ko kung bakit… tapos may ambulansyang dumating. Parang movie talaga! Si papa talaga para lang sumaya ang Pasko namin may mga ganun pang kaderamahang nalalaman!

Sabi ni manong pulis sumama daw ako sa kanya punta daw kami sa Disneyland ayun sumama ako…. Pero nagsinungaling siya dito niya ako dinala sa juvenile center. Miss ko na yung madaming madami kong damit saka laruan. Nami-miss ko na sina ate, kuya, mama at papa. Bakit kaya di nila ako dinadalaw?

Friday, October 02, 2009

RECENT EVENTS!!!!

ONDOY, ONDOY, you make us very sad ONDOY!

Okay, let’s all face the fact that the recent typhoon, Ondoy, has immobilized the country (or maybe the whole of Luzon). Flood overpowers a number of cities, provinces, municipalities and that stuff. Places like Marilao, Quezon City, Pasig, Manila, Masantol and such have been covered with flood.

Behind the misfortunes and such, I realized one thing! WE ARE EQUAL. Some of us maybe richer than others; some might have bigger houses; some are living a royal like live but when it comes to calamities all of us are trying to save ourselves and no one is exempted to these calamities.

Let’s take the actors and actresses as an example. Christine Reyes was trapped in her house’s rooftop with no food and such. Richard Guttierez saved her and her family. Another one is Jean Garcia’s family; Jennica called the Startalk and said that they are trapped inside their home with no food, medicine and such. Carmina Villaroel (I don’t know if my spelling’s correct), together with her family (her husband Zoren and her twin kids) is trapped inside their house; they don’t have food and medicine and if I’ve heard it right one of her children’s sick.

Of course, the lowly is much more affected but I pitied the rich who’re stranded in their homes and don’t have food. Honestly, I pitied them because they’re not used to be stranded and hungered but it’s a learning experience for them!

I know that what’s in the past is in the past. We can’t change it. So we better learn from our experience. A word of advice for those families (both rich and poor), during times like this, always store extra food and medicines and what not so that you won’t starve at times like these (actually this thought’s from my mom, I think I ought to acknowledge her).

Let’s just pray for those families who are affected by the typhoon, Ondoy.