Friday, September 04, 2009

L-O-V-E

“Mahal ko na siya.”

Isang pangungusap na puno ng kahangalan! Oo isa ito kahangalan! Anong akala mo mahal mo na talaga siya? Bakit alm mo nab a talaga kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘PAGMAMAHAL’? Kung anoi talaga ang gustong sabihin ng salitang Ingles na LOVE? Alam mo ba? Kitams, napaisip ka!

Ano bang alam mo tungkol sa pagmamahal?

Ano, ano, ano?

Akala mo ba na darating na lang yan ng di sinasadya? Na bigla mo na lang yan mararamdaman? Hangal ka! Inuulit ko hangal ka! Masyado mong ikinukulong ang iyong sarili sa isang paniniwala na hindi mo alam kung tama! Akala mo na ang LOVE AT FIRST SIGHT, totoo? Nagkakamali ka!

Ang buhay natin ay dumedepende sa mga pagpapasyang ating ginagawa.anong akala mo tadhana ang nagpapaikot sa lahat? Hangal ka ngang talaga.

Hindi basta bastang mararamdaman na lang ang pag-ibig. Pipiliin mong umibig. Hindi ka naman gigising at mapagtatanto mo na “mahal ko na siya”. Hindi, hindi. Ikaw mismo ang magpapasiya na mahal mo na talaga siya.

At ano? Akala mo bang sa iyo lang ang itinuturing mong iyong “pinakamamahal”? Nagseselos ka na lagi may kasama siyang iba? Na gagawa ka ng mga bagay na ikasasakit mo dahil lamang sa nabigo ka? Susubukan mong magpakamatay dahil sa nararamdaman mong iyan? Hangal ka ngang tunay. Hangal na hangal.

Ang sabi ng bible, “Ang pag-big ay may mahabang pagtitiis at mabait…hindi mapanibughuin…hindi nagmamayabang, hindi nagmamalaki, hindi gumagawi nang hindi disente, hindi nahahanap ng sarili nitong kapakanan, hindi nagpupukaw sa galit. Hindi ito nagbibilang ng pinsala. Hindi ito nagsasaya sa kalikuan, kundi nakikipagsaya sa katotohanan. Tinitiis, pinaniniwalaan, inaasahan at binabata ang lahat ng bagay.”

Ikaw? Anong ginagawa mo? Ano? Ano? Nasaiyo pa rin ang pagpapasiya. Ikaw ang nagsusulat ng iyong sariling aklat. Ikaw ang pipili ng mga magiging karakter sa iyong nobela. Ikaw at ikaw lang ang makapagbabago ng takbo ng iyong buhay.

Pero sino nga ba naman ako para magsalita ng mga ito? Isa lang rin akong musmos na pilit na inuunawa ang buhay. Sino ba naman ako para magsalita dito? Isa lang rin akong butil sa isang kabang bigas. Isa lang akong mag-aaral na tulad mo. Nais ko lamang ibigay ang aking munting tinig.

No comments:

Post a Comment