Saturday, July 10, 2010

Bespren (alternate ending)

Tinanong sa ‘kin ng college friends ko kung sino siya. “Oo. Bestfriend ko siya,” yun ang nagging sagot ko. Ooops. Parang may mali, “Dati.”

***

She’s my best friend. Matagal na rin kasi kaming magkakila. Since magka-isip ako kilala ko na siya. Magkasosyo kasi sa negosyo ang parents namin. Parang magkapatid na rin kami. Kasi naman, pareho kaming only child. I’m her older brother and she’s my cute little sister kahit pa mas matanda siya ng almost two months sa ‘kin.

Marami kaming similarities. Pareho kaming into music, gustong gusto naming kumain ng Japanese foods. Favorite din namin ang Hopiang Ube. Mahilig siyang magsulat at mahilig naman akong magbasa. She’s my favorite author. Lahat yata ng tulang ginawa niya nabasa ko na. pati na rin yung mga short stories na ginawa niya.

Third year high school, nanligaw sa kanya yung student council president. Alam kong crush na crush niya yun. Nung ikwenento niya sa ‘kin ngi-ngit ngiti lang ako pero sa loob loob ko, “Naman may kaagaw na ko.” Mga ilang buwan pa ang lumipas sinagot niya din si Mr. President. Hindi ko alam kung ano ang nagging reaksyon ko nung sinabi niya sa kin. Ang alam ko lang, para akong tinamaan ng meteorite.

Kahit pa may boyfriend na siya nung mga panahong yun, nagagawa pa rin naming lumabas. Manood ng sine, mag-shopping kumain sa favorite Japanese resto namin, mag-bar hopping at kung minsan mag-camping kasama ang family.

Fourth year high school. Graduate na si “Mr. President”. Masaya yung first day ko nun. Bakit kamo? Kasi, finally, wala na ulit akong kaagaw sa “Little Sister” ko. Pero ako lang pala ang masaya nung araw na yun.

Nag-kakalabuan pala si “Mr. President” at si “little sister”. I didn’t realize a single thing about it. Mukha naman kasing Masaya si “Little Sister”. Hindi pala.

One week after. Lunes nun. Hindi pumasok si “Little Sister” kaya pinuntahan ko siya sa kanila. Pinapasok na ko ng mommy niya sa kwarto. Nakita kong namamaga ko yung mata niya. “Ang pangit mo,” biro ko sa kanya. “Mas pangit ka,” patawang sagot niya.

She told me everything. Nagbreak na pala sila ni “Mr. President”. Kaya pala siya di pumasok kasi umiyak siya buong gabi at hindi nakatulog. Nagsasalita siya pero di ko naman maintindihan. I wasn’t listening. Sapat na yung nalaman kong break na sila. Nakatingin lang ako sa kanya.

“O, natulala ka na naman, boy,” biro niya, “mahipan ka ng hangin niyan—”

Di niya natuloy yung sinsabi niya kasi bigla akong sumabat, “Mahal na ata kita.” She is shocked and I just find myself closer to her and kissing her. Parang ang tagal nung moment na yun. Sobra.

Plak. Isang malaks na sampal ang inabot ko sa kanya. “I don’t want to see your face ever again,” sabi ni “Little Sister”. Galit na galit talaga siya. Kaya umalis na lang ako.

Kinabukasan, hindi na sya pumasok. Ang sabi nung adviser namin lumipat na daw sya sa isang exclusive school for girls. Sinubukan kong pumunta sa kanila para humingi ng sorry pero ayaw niya makipag-usap.

Araw-araw akong nasa tapat ng bahay nila hangang sa isang araw mabalitaan ko na lang na pumunta na raw pala siya sa Australia. Dun na raw mag-aaral.

***

“Dati?” tanong nung kaklase ko. “Bakit dati? Nag-away ba kayo?”

“Hmmm, let’s just say that I did the wrong thing at the wrong time,” sabi ko.

“Ano naman yun?” –siya.

“Basta…” –ako. Minahal ko kasi siya.

Nakabalik na pala siya, hindi ko man lang alam.

No comments:

Post a Comment