Saturday, July 10, 2010

My First and Last Romance


Ako si Lolita Dimaculangan, mas kilala sa tawag na Inday Loleng. Matagal na akong naninilbihan sa pamilya Valencia. Di pa man ipinapanganak ang alaga ko ngayon na si Miguel nagtatrabaho na ako sa kanila. Yung lolo pa ni Miguel ang kumuha sa akin at naabutan ko pa na binata si Sir Felipe at nasaksihan ko rin nung mag-asawa siya.

Ngayon ang nasasaksihan ko naman ang paghihinagpis ni Miguel. Kitang-kita ko kung paano siya nasaktan nung malaman niya na namatay si Yssabelle sa isang aksidente. At sa araw na ito, bakas sa mukha ni Miguel ang dobleng sakit. Ngayon ang arawng libing ni Yssabelle.

“Migil, tara na poponta na daw tayu sa sembahan sabe ng mame mu,” tawag ko sa kanya. Hindi siya sumasagot. Kaya napagpasyahan ko na bugksan na lang aang pinto ng kwarto niya. Nikita ko siyang tulala. naktingin lng siya sa picture ni Yssabelle. Nilapitan ko siya at niyakap.

“Migil, alam mu gayan talaga aang bohay, ona-ona lang eyan,” payo ko kay Miguel. “Kelangan mu nang mag-mub un!”

Tulala pa rin siya pero tumayo na siya at bumaba. Dirediretso lang siya sa loob ng kotse. maging ako’y pumasok na rin sa loob ng kotse at tumabi sa kanya. At kahit maikli lang ang oras na kinunsumo ng byahe. Animo’y napakatagal dahil sobrang tahimik ng lahat.

Marami ng tao sa simbahan. Maya-maya lang ay dumating na ang mga labi ni Yssabelle. Si Miguel na katabi ko ay tulala pa rin. Halatang di pa niya tanggap ang nagyari sa kanyang nobya. Ilang saglit na nga lang ay nagsimula na misa.

Nagulat ako ng ipakilala kung sino ang paring magmimisa. Malapit na kaibigan daw ito ng pamilya ni Yssabelle. Si Fr. Joselito Jimenez. Napatingin ako sa kanya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga si Joe, ang una at huling lalaking minahal ko.

Balisa ako sa buong misa. Nang matapos ang misa, akala ko tapos na ang lahat. Akala ko aalis na siya. Pero mali ako. Hanggang sa simenteryo sumunod siya. at maging sa bahay nina Yssabelle pagkatapos ng libing ay naroon siya. Sinubukan ko siyang iwasan pero bandang huli nakita pa rin niya ako. Natakot ako ng lapitan niya ako.

Tatakbo n asana ako paunta sa kotse pero nagsalita siya, “Lolita, ikaw ba yan?” Wala na akong ibang choice kundi harapin siya.

“Uu aku nga. Pari ka na pala ngayon,” sagot ko sa kanya. “Naabut mu na ang imung mga pangarap. Segi maoona na aku sa imu. Baka henahanap na ako ng amu ku.”

Tinalikuran ko siya pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa braso at paglingon ko sa kanya, bumalik ang eksena nung kabataan namin.

***

“Lolita, may sasabihin ako sa ‘yo,” tandang-tanda ko pa ang sinabi niya.

“Ay anu pu eyon ser, may e-ootus pub a kayu?” tugon ko sa kanya. Noong mga panahong yon, namamasukan ang aming pamilya sa kanila. Si Inay ang nagsisilbing mayordoma, si itay naman ay driver at ako, isa sa mga katulong.

“Ah…eh…ano kasi eh… I think… ma…ma…,” pautal-utal na sagot sa kin ni Joe. “Masyadong makapaal ang pulbos mo sa mukha,” pagtatapos nya.

Nahalatang may itinatago dun sa mga salita niyang yun kasi hindi naman ako nagpulbos. Kaya naman sinagot ko na lang siya ng ganito, “Ay ganun pu ba ser? sege po maghehelamus na lang pu ako.”

“Ah, okay sige,” yun ang nagging tugon niya sa kin. Binitawan na niya ako.

Nagsimula na akong maglakad papalayo nung bigla siyang humabol. Hinawakan niya ako sa braso at pilit na hinarap sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinalikan…

Nung una nagpupumiglas pa ‘ko. Pero di nagtagal, nakisabay na rin ako sa agos. Parang ang tagal nung mga sandaling yun at ayaw ko na ‘tong matapos. Kumalas siya. ‘Di ako makatingin sa kanya ng diretso. Nakabibingi ang katahimikan…

“Mahal kita,” yung ang mga katagang bumasag sa katahimikan. Inamin sa ‘kin ni Joe na may gusto siya sa kin. “Mula pa nung mga bata tayo hangang ngayon.”

“Piru pag nalaman pu itu ng pirints niyu segoradu pu aku na masesesanti sena enay,” yung ang sagot ko sa pagtatapat niya.

“Hindi mo ba ko mahal?” tanong ni Joe. Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. Nakakatunaw ang mga titig niya.

“Mahal din kita,” simpleng sagot ko. Niyakap niya ko at dun na nga nagsimula ang patagong relasyon namin.

***

Isang araw niyaya ako ni Joe na lumabas. Isang taon na ring kami nun at pareho kaming magtatapos na sa high school. Annivesary pala namin. naalala ko lang nung dumating na kami sa kakainan namin at binati niya ko.

“Happy anniversary bebe ko,” sabi niya. “I love you.”

“Hape anibirsiri dib bibi ku,” sagot ko sa kanya.

Naging masaya ang buong araw ko nun. Yun na siguro ang isa sa pinakmasasayang araw ng buhay ko. At ang araw rin na yun ang isa sa pinakamalungkot.

‘Pag uwi namin. Nagulat kami sa balita. Mukhang mamatay na yata ang lolo ni Joe. Pinapasok lahat ng mga apo, anak sa loob ng kwarto. Pati na rin kaming nainilbihan sa pamilya. Si joe ang paboritong apo ni Don Emilio, ang lolo niya. Tinawag siya nito at sinabi sa kanya ang huli nitong kahilingan, “Gusto kong magpari ka. This is my dying wish, apo. Kaya sana… sana…”

Tuluyan na ngang nalagot ang hininga ni Don Emilio. Umiiyak ang lahat. Tumingin sa ‘kin si Joe. Makahulugang tingin. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Ayaw niyang magpari.

***

Natapos ang libing. Ilang araw pagkalipas, sinabi na sa mga anak ni Don Emilio ang Last Will ng matanda. Isa sa mga nakalagay ay ukol sa pagpapari ni Joe. Hindi makukuha ng kanyang pamilya at mapupunta lang sa charity ang kanilang mana kung hindi magpapari si Joe.

Pagkaalis na pagkaalis ng abugado kinumpronta na siya ng kanyang mga magulang. Dinala siya sa isang kwarto, malayo sa ibang parte ng kabahayan. Sinundan ko sila.

“So Joe, kinakailangan mong pumasok ng seminary at magpari,” utos ng kanyang inang si Ma’am Amalia.

“Pero Ma, ayaw kong magpari! Gusto kong maging engineer at tumandang kasama ng babaeng mahal ko!” galit na sagot ni Joe sa kang nanay. “Pa, ano kumbinsihin mo naman si Mama.”

“Joe, anak, tama ang Mama mo. Kinakailangan mong magpari,” yun ang simpleng sagot ng papa niya.

“I HATE BOTH OF YOU!” pagalit na sigaw ni Joe. Lumabas siya ng kwarto. natumba ko dahil sa nakatapat mismo ako sa pinto. Noon ko lang nakita yung ganung mukha ni Joe, galit na galit. Nung nakita niya ko, nagbagong bigla nag ekspresyong ng mukhan niya. Ngumiti siya. tinulungan niya akong makatayo. Niyaya niya kong maglibot.

Naglibot kami maghapon hanggang sa dumilim.

***

Hindi kami umuwi noon at napadpad lang kami sa kung saan. Naghanap na lang kami ng matutulugan. Nung nakahanap na kami ay nagkaalangan kami. Dalawa lang kami sa loob ng kwarto. Isa lang ang kama.

Nahiga siya at niyaya niya akong tumabi sa kanya. nagkwentuahn kaming dalawa hangng sa yakapin niya ko at halikan….

Ang gabing yun ang gabing hinding hindi ko malilimutan sa buhay ko. Nakatulog kaming magkayakap.

***

Kinabukasan pinag-uasapan namin ang magyayari sa amin. tinanong ko sa kanya ang plano niya.

“Hindi ko alam. Ano kaya kung magtanan na lang tayo?” sagot niya.

“Iwan ku lang piro segorado aku na kokoleten ka ng eyong mama,” sagot ko.

“Basta, di ako papasok ng seminaryo,” pagtatapos niya.

Umuwi na rin kami. nagdaan nag mga arw. Hindi nangungulit ang magulang ni Joe sa kanya. Hangng sa Dumating ang araw ng graduation niya. nagkaroon ng party at du inanunsyo na magpapari si Joe. Hindi na makaka atras si Joe. Nang kausapin niya ko pagkatapos ng party. sinabihan ko siya na wala ng mangyayari sa sa relasyon namin. Nakipaghiwalay ako. Yun ang nagging dahilan niya kaya siya pumasok ng seminaryo.

Kinabukasan, halos magunaw ang mundo ko sa nalaman kong malaking pagbabago sa buhay ko. Buntis ako.

***

Naglayas ako nun. Siyam na buwan kong dala-dala ang anak namin ni Joe. Wala na akong balita sa kanila.

Nanganak naman ako ng maayos pero dinapuan ng malubhang sakit si Jonas, yun ang pinangalan ko sa anak namin. Iyon ang ikinamatay niya. Halos magunaw rin ang mundo ko napadpad ako kung saan saan hanggang natagpuaan ko ang mga amok o ngayon….

***

“Matagal ka ng hinahanap ng magulang mo,” sabi ni Joe. Nagulat ako sa sinabi niya.

“Bohay pa si enay at etay?”

“Oo. At tiyak matutuwa silang makita ka!”

Nagkakwentuhan kami. Hindi ko na sinabi sa kanya nag tungkol kay Jonas. Isang araw nga ay tinulungan niya akong makitang muli si Inay at Itay.

Sa huli, magkaibigan na lang kami at isa lang siya sa parte ng aking nakaraan.

No comments:

Post a Comment