Wednesday, July 08, 2009

ROBOT

Ayan na, ayan na
Si inay nanjan na...
Hingi kong robot kaya'y dala???

Bakit kaya lahat ay lumuha?
'Di ba'y dapat masaya
'Pagkat si nanay ay nandito na?

Ako'y nalilito...
Bakit si nanay ay nasa kahon?
Magma-magic ba sila???

"Nanay, nanay!"
Sigaw kong may galak
Pero bakit siya hindi sumagot?

Mula noon di ko na sya nakita
Sabi nila siya'y lumisan na
Pa'no na kaya ang robot ko?

No comments:

Post a Comment